Ano nga ba ang Torpe?
Torpedo from the root word TORPE.Mga lalaking hindi masabi ang nararamdaman sa taong kanyang gusto, sila yung mababa ang tiwala sa sarili. Sobrang mahiyain sa taong gusto nilang ligawan pero halos isang decada na yata hindi pa din makapanligaw at hindi pa maamin na gusto nila ang kaisa isangbabaing kanilang napupusuhan.Number #1 na reason ng pagkatorpedo ng mga kalalakihan ay TAKOT MA-REJECT! Ayaw nila mareject dahil takot sila masaktan, mapahiya o di naman kaya ay madismaya. Pero dahil sa kakaganyan nila ay nagbibigay sila ng mix signals sa mga kababaihan na ayaw nila sa babae; na hindi sila seryoso o hindi naman sila ganon ka interesado pero ang totoo ay nuknukan lang sila ng TORPE. Para hindi na kayo mahirapan mga Girlies para malaman kung hindi interesado inyo ang isang lalaki or torpe nga lang talaga sya, eto ang mga signs na isa ngang certified torpedo si lalaki.1. Nahihiyang makipag-usap sayo, at kung sumagot ay sobrang tipid. “OO” at “Hindi” lang ang sagot nya. Madalas parang mga SUPLADO ang mga torpe, sobra kasing tahimik at ang tipid magsalita! Ayaw kasi nilang madulas ang kanilang dila at kung ano’ng masabi, kaya piling pili lang ang mga salitang binibitawan nila dahil ayaw nila na baka may masabi sila na ika offend, ika turn off or ika inis ng CRUSH nila. Pero dahil sa kaka PLAYING SAFE nila sa pagtipid magsalita sa harap ng gusto nila ay wala na silang masabi! lol Na-uutal at natatameme na sila! wahahaha XD Ngunit subalit at datapwat, hindi talaga sila natural na tahimik dahil kapag kasama nila ang mga barkada nila ay tila bigla na lang silang tinubuan ng dila at lakas ng loob dahil sa kadaldalan nila.
2. Ninenerbyos kapag kaharap nila ang Crush nila, nanginginig or nanlalamig ang kamay. Lalo na kapag sa mga first meetings or date nyo tapos dalawa lang kayo. Kinakabahan kasi sila hindi nila alam kung ano kalalabasan ng pagkikita nyo at hindi nya alam kung magugustuhan mo rin ba sya o hindi? Ang first date ang pinaka sobrang pinagwoworry ng mga kalalakihan hindi lang ang mga kababaihan dahil dun mo malalaman kung talagang compatible ba kayo or may something in common ba kayo.
3. Palagi mong nahuhuli na nakatingin sya sayo tapos kapag nag angat ka ng ulo biglang nya agad i-iiwas ang tingin nya sayo. Akala kasi ng ibang mga kababaihan ay tinitignan tayo ng masama or gina-judge tayo pero hindi, tinitignan ka nya ng hindi mo napapansin kasi dun ka lang nila kayang tignan ng hindi sila maiilang kasi nga hindi ka nakatingin sa kanila. Sasusunod na nahuli mo na nakatingin ng ganon sayo si Crush/Manliligaw ay ngitian mo na lang. Para hindi sya mailang, kaysa tanungin mo sya kung bakit mo sya tinitignan! wahahahaha XD
4. Onting skin contact lang OA agad ang reaction! LOL akala mo pinaso ng plantya sa hita, nabuhusan ng malamig na tubig or dinapuan ng ipis sa mukha!! lol hindi sa ayaw nya ng skin contact, actually mas ayus nga sa kanila yun, pero hindi nila alam kung anong tamang reaction nila dahil sobrang tense nga sila sa presents mo.
5. Kapag kausap mo hindi makatingin ng derecho. Kung saan saan sya nakatingin habang kausap mo sya or di naman kaya nasa malayo sya nakatingin. Hindi sya nabobored nahihiya lang sya tumignin ng derecho sa mata mo! ibig sabihin ganon ka LUPET ang presents mo sa kanya! havah ng hair mo te! ikaw na!
6. Bumubulong or nag ma-mumble! Minsan pag magkasama kayo sa public or di naman kaya ay kapag may kasama kayong ibang tao katulad ng friends mo or barkada nya ay bumubulong sya. Hindi mo maintindihan tapos pag ipapa-ulit mo sa kanya kung anong sinabi nya ay sasabihin nya “wala” or “never mind” Sa ating mga babae ay sobrang nakakainis yun! Kung ayaw mo naman pla pag-usapan bakin mo pa na brought up in the first place? Pero hindi natin napapansin na gusto naman talaga yung pinag-uusapan kaya nga he’s got something to say kaya lang may ibang mga tao kaya nahihiya syang mag speak up dahil baka asarin sya ng mga barkada nya or kung anong isipin sa kanya ng ibang tao.
7. Nagbablush or napapaSmile kapag nginingitian mo.. ayee kinikilig ang mokong lalo na kapag pinupuro mo! masyado sya natutuwa kaya ganon! lol Hindi lang tayong mga kababaihan ang gustong pinupuri, pati din naman ang mga kalahi ni Adan ay gusto din na nabibigyan ng magandang papuri kung minsan. Sa susunod na may bago sakanila i-compliment mo din! wag palagi dahil baka lumaki ang ulo at magka-hydrocephalus na sya! wahahaha at wag magsinungaling dahil baka isipin nya Bolera ka! LOL Pero pansinin mo yung mata nya at yung labi nya, kapag nakangiti ang mata nya at kakaiba ang ngiti nya ibig sabihin gusto nyang kino-compliment mo sya.
8. Bigla na lang umaalis or nangiiwan kapag kausap mo. Ito ang isa sa napaka rare na to the highest level na effect ng sobrang pagka-TORPE! LOL Sa mga kababaihan sobrang NO NO ito dahil Bastos ang tingin nila sa ganon pero hindi nila maintindihan na kaya biglang umalis si boylet ay dahil sa sobrang kaba or nerbyos! lol hindi nya alam sasabihin at ayaw nya magmukhang tanga! sobra syang natameme sa kagandahan mo!! wahahaha lol XD
Ayan ang mga nakalap ko na sighns o nagpapahiwatig na isa ngang dakilang TORPE si lalaki! Hindi lahat ng ito ay tama o naaayon sa lahat ng kalalakihan dahil may iba iba naman na personalidad at pagkatao ang bawat isa. Ngunit ito ay ayon lamang sa aking mga obserbasyon. Sana ay makatulong ito sa inyo! (kung may bumabasa man nito!lol)
may crush ka na torpe? solution? LIGAWAN NA YAN!! hahaha lol joke!
(c)http://cesstotz08.tumblr.com/
